Naninindigan ang Bureau of Planning and Sustainability para gawing mas accessible ang aming mga serbisyo, programa, at aktibidad sa mga taong may maraming wika o kapansanan.
Makipag-ugnayan sa amin upang humiling ng access
Upang humiling ng mga serbisyo ng pagsasalin, interpretasyon, o access para sa may kapansanan, mangyaring makipag-ugnayan sa 311 (Relay: 711).
Mga serbisyo ng access para sa may kapansanan
Naninindigan kami para tiyaking makakatanggap at makakapagbigay ng impormasyon ang mga taong may kapansanan nang mabisa kagaya ng mga taong walang kapansanan. Kasama na rito ang, ngunit hindi ito nalilimitahan sa, mga kapansanang pisikal, cognitive (kakayahang matuto), kaugnay ng pananalita, pandinig, at/o paningin.
Ipaalam sa amin kung ano ang kailangan mo at pagsisikapan namin itong ibigay sa iyo nang walang bayad.
Ang ilang halimbawa ng tulong at serbisyo na maaari naming ibigay ay:
- Mga materyal na nasa ibang format
- American Sign Language (ASL) Interpreter
- Pagbago sa isang patakaran o pamamaraan
O iba pang pagbabagong may kinalaman sa kapansanan upang ma-access mo o ng isa mong kakilala nang ganap ang isang programa o serbisyo
Maghanap ng iba pang halimbawa ng paghiling para sa mga makatuwirang pagbabago sa mga patakaran at pamamaraan.
Mga serbisyo ng access sa wika
Naninindigan kami para magbigay ng impormasyon sa lahat ng taga-Portland sa anumang wikang hihilingin.
Interpretasyon ng wika sa telepono
Magbibigay kami ng interpreter nang walang bayad. Kapag tumawag ka sa amin, pakisabi ang pangalan ng wikang kailangan mo, at magsasama kami ng interpreter sa tawag. Maaaring umabot nang ilang minuto bago kami makakuha ng interpreter sa telepono, kaya mangyaring huwag ibaba ang telepono.
Maaari ka ring mag-email sa amin upang humiling ng tawag sa telepono na may kasamang interpreter at magtatakda kami ng oras para tawagan ka.
You can also email us to request a phone call with an interpreter and we will arrange a time to call you.
Interpretasyon ng wika sa mga event
Magbibigay kami ng interpreter nang walang bayad. Kung kailanganin mo man ng interpreter para sa isang event, mangyaring ipaalam ito sa amin sa lalong madaling panahon. Pinakamalaki ang tsansa naming makahanap ng available na interpreter kung mabibigyan kami ng palugit na lima o higit pang araw na may pasok. Gayunpaman, kahit gaano pa kaaga ang event, pakituloy lang ang paghiling at gagawin namin ang aming makakaya.
Mga nakasaling materyal
Makakapagbigay kami ng pagsasalin ng anumang impormasyon kung hihilingin. Gagawin namin ang aming makakaya upang mabigyan ka ng nakasaling impormasyon sa pinakamabilis na panahon hangga’t maaari, ngunit maaari itong umabot nang hanggang dalawang linggo. Mangyaring ipaalam sa amin kung agaran ang iyong hiling.
Impormasyon tungkol sa Civil Rights Title VI at ADA Title II
Ayon sa patakaran ng Lungsod ng Portland, walang kahit na sinong tao ang hindi maisasali, mapagkakaitan ng mga benepisyo, o maisasailalim sa diskriminasyon sa anumang programa, serbisyo, o aktibidad ng Lungsod batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kapansanan, o iba pang protektadong uri.
Bilang pagsunod sa mga batas sa mga karapatang sibil ng Civil Rights Title VI at ng ADA Title II, tinitiyak ng Lungsod ng Portland na magkakaroon ng makabuluhang access sa mga programa, serbisyo, at aktibidad ng Lungsod sa pamamagitan ng makatuwirang pagbibigay ng: pagsasalin at interpretasyon, pagbabago, akomodasyon, alternatibong format, at mga karagdagang tulong at serbisyo.